Thursday, December 23, 2010

Pasko Story

Sa isang liblib na nayon, may isang nakatirang pinakamagandang dilag ang pangalan niya ay Let. Ngunit kahit siya ay maganda ay walang gustong manligaw sa kanya dahil wala siyang hinaharap o sa madaling salita ay maliit ang kanyang boobs. Sa kanyang paghihinagpis, may nakausap siyang pinakamatanda sa kanilang nayon ang pangalan ay si Tata Lakitok. At tinanong ni Let si Tata Lakitok at eto ang pinag-usapan nila. Let: Mawalang-galang na po tata Lakitok, ako po ang apo' ni Apong Pakitong gusto ko pong magpakunsulta sa aking problema. Tata Lakitok: Ganoon ba? aba tuloy iha. Ano ba ang iyong problema, iha? Let: Ang aking hinaharap. Masyado pong maliit ka-butil lang po at saka wala pong nanliligaw sa akin kahit na maganda ako. Tata Lakitok: Napansin ko nga iha. Kahit nga ako napagkamalan nga kitang bakla at saka hindi ako tinigasan sa iyo. Let: Matutulungan po ba ninyo ako, tata Lakitok? Tata Lakitok: Dahil ikaw ay apo ni Apong Pakitong ay tutulungan kita, IKAW PA!!! ang iba napapahiya este, tutulungan kita, iha. Nakikita mo ba ang pangalawang bundok sa kaunluran? Let: Opo, Tata Lakitok. (sabay kuha ng compass) Tata Lakitok: Lakbayin mo ang pangalawang bundok na yan at pag dating mo sa tutok ay may makikita kang isang kweba. At sa kuwebang yun ay may makikita kang isang matandang bulag na ermitanyo nagngangalang Apo Haykeng. Pag pasuri ka sa kanya at tiyak matutulungan ka niya. Kaya dali-dali umalis si Let papuntang pangalawang bundok sa kaunluran. Nagsimulang umakyat siya sa unang bundok hanggang sa pangalawang bundok hanggang nakita niya ang isang maliit na kuweba sa tutok ng pangalawang kuweba. Hinanap ni Let si Apong Haykeng (ermitantyo) sa loob ng kuweba hanggang... Ermitanyo: Pssssstttttt... Iha, anong ginagawa mo diyan? Let: Hinahanap ko po ang matandang bulag na ermitanyo. Na nagngangalang Apong Haykeng. Ermitanyo: Ako yun. Batet? (sabay tawa) Let: Kung kayo ay isang bulag na ermitanyong bakit wala kayong baston man lang. Ermitanyo: Ninja kasi ako, iha. Ano ba ang sadya mo talaga dito? Let: Ako po ay galing sa kapatagan at pinadala po ako Tata Lakitok para humingi ng tulong sa inyo. (sabay patak ng luha) Ermitanyo: Naku iha, nagbago na ako ng raket dahil mas malakas kasi ngayon ang magkolektor ng jueteng kaysa paggagamot. tinaas ng ermitanyo ang kanyang rayban at sabay tingin sa luha at naawa. Sige na ngaaaaaa! dahil Disperas ng Pasko ngayon ay tutulungan kita at alam ko ang iyong problema...Ang iyong boobs na gamunggo, matagal na balita na yan at napanood ko yan sa "the Buzz". Tamang-tama ang dating mo dahil nag-iisa lang ang solusyon niyan. At ganito ang gawin mo...Sa pagsabit ng alas-dose ng madaling araw ng Pasko kailangan mong kalikutin ang iyong boobs ng iyong dalawang palad at sabay kantang, Jingle bells, Jingle bells, Jingle all the way (with feelings dapat!). Sige humayo ka na, iha at mag-gagabi na tandaan mo ang eksaktong oras. At ako naman ay pupunta sa bolahan ng jueteng. Let: Maraming salamat mo, Apong Haykeng. Nagsimulang bumaba si Let sa bundok na pinag-akyatan niya. Hanggang umaabot siya sa kapatagan bandang alas onse ng gabi (11:00 PM). Sumakay siya ng jeep papunta sa kanilang bahay. At dahil Disperas ng Pasko ay naging traffic ang buong kalsada dahil ang mga pulis ay nagkalat na naman sa lansangan para humingi ng aginaldo. Marami ng bumabang tao sa jeep hanggang natira na lang sa loob ng jeepney ay yung driver, isang poging lalake kamukha ni Jericho Rosales at si Let. Gusto rin maglakad si Let pero malayo pa ang kanilang bahay kaya napilitan siyang mag-stay sa loob ng jeep. Hanggang narinig niya ang kampana ng simbahan na ang ibig sabihin ay alas-dose na ng madaling-araw...Pasko na. Let: Nakupoooo! (Kailangang gawin ko ang sinabi ng matandang bulag na ermitanyo para lumaki ang ang aking boobs. Tutal hindi ko naman kilala itong poging lalaki nasa harapan ko, sisimulan ko na ang aking seremonyas. At sabay himas niya ang kanyang boobs at sabay kantang)... Jingle bells, Jingle bells, Jingle all the way... (with feelings) Lalaki: (Taka) Miss anong ginagawa mo? Let: Hinimas ko itong boobs ko at sabay kumakanta para lumaki sabi kasi ng matandang ermitanyo, eh. Teka, pagpapatuloy ko lang (sabay tinanggal ni let ang kanyang shirt at bra at hinimas niya ulit ang kanyang boobs at sabay kantang (with feelings) Jingle bells, Jingle bells, Jingle all the way... Lalaki: (hindi ko na kaya ito, tinitigasan na ako) (sabay tanggal ng pantalon at brief) Let: (Gulat) Anong gagawin mo? (takot) Anong gagawin mo sa akin? (kaba) Lalaki: (Galit) wala ka na doon! (sabay nagbati' at kumantang) "Rudolf the red nose reindeer, Have a red shiny nose..."

No comments: