Tuesday, February 1, 2011

Homework

> Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay...na

> kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa. maghapon ka na ngang wala,
> pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa min ng mga anak mo... yan ang
> kadalasang linya ng partner mo. Oo nga naman, dapat balanse lang ang
> buhay... me panahon sa trabaho at me panahon sa mga mahal sa buhay.
> yan ang dapat nating sanayin... balanseng buhay para sa masayang
pagsasama!
>
> naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko. tahimik lang sila.... masaya, at
> palagi kong naririnig na nagtatawanan. nguni't isang araw nagulat ako
> sa aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay.
> walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito... pasensya na mahal
> ang dami trabaho baka di ko matapos e kailangang mai-deliver na agad
mga to.
> sa loob loob ko, minsan lang naman ata nag-uwi ng trabaho di pa
> pinagbigyan.
>
> tuloy pa rin ang sigawan, iyakan....lubos na akong nabahala kaya
> kinatok ko sila. pare, pare, okay lang ba kayo dyan? binuksan ng babae

> ang pinto at galit na galit nagsumbong sa kin.... hay naku pare,
> tangna tong pare mo nag-uwi ng trabaho dito sa bahay. sabi ko,
> intindihin mo na mare, minsan lang naman ata ginawa e, baka sobrang
> dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at me deadline.
>
> Galit na galit ang babae na sinagot ako... ay tangna pare, alam mo
> bang embalsamador ang asawa ko

No comments: