Wednesday, July 13, 2011

Nagtrabaho sa isang restaurant si Boy Bastos bilang isang waiter. Habang kinukuha ang order ng isang customer, natabig ng customer ang kutsara niya. Agad namang dumukot sa kanyang bulsa si Boy Bastos ng kutsara sa bulsa niya. Nabilib ang customer.

Customer: Astig ah! Lahat ba kayong waiter dito, merong kutsarang ready sa bulsa?

Boy Bastos: Opo. Meron kasi kaming "efficiency expert" dito. Sabi niya, 23.6% ng mga customer, natatabig ang mga kutsara. Para makatipid sa oras ng lakad, meron na kaming ready na kutsara sa bulsa.

Natapos nang kumain ang customer at kinuha niya na ang chit niya. Napansin niyang merong nakalabas na tali mula sa zipper ni Boy Bastos.

Customer: Bakit ka merong tali diyan sa zipper mo?

Boy Bastos: Lahat kaming waiter dito, merong ganyan. Nakakabit yan sa ari namin, para pag-iihe kami, hindi na namin kailangang hawakan para ilabas. Sabi kasi nung "efficiency expert" namin, 15.6% ng oras ang nauubos sa pag-hugas ng kamay pagkagaling sa CR.

Customer: Matanong ko lang, pa'no mo ibinabalik yung ari mo sa pantalon?

Boy Bastos: Ewan ko lang sa ibang waiter ha, pero ako ginagamit ko yung kutsara.

No comments: